Di pa ba nahahanap ang The One?
Korek. Kahit man lang yung The wala pa rin. Bahala na.
Ay naku, darating din yun. Pakalat-kalat lang sya sa Universe.
Baka na-trap pa sa black hole or sa supernova. Ewan.
Uy, di naman. Ito talaga o.
Hay. Hirap naman ng ganito.
Aba aba. At akala ko ang kababaihan ang ang nawiwindang sa mga bagay-bagay na ito. Yun pala ang mga kalalakihan din!
Napaisip tuloy ako - so paano nga ba malalaman kung siya na nga ang The One ng buhay mo? Para bang kanta yan ng Carpenters na "Close to You"? Hahanap ba ako ng birds na nag-aappear at stars na nagfa-fall down from the sky? Para ba itong lotto na may numero kang aalagaan at pag nakuha mo lahat ng 6 na numero, eh para kang nanalo ng 250 million? Paano yung 5 numero lang ang nakuha? Eh di 20,000 lang makukuha mo? Dapat ba may inclusion at exclusion criteria? Eh baka naman sa lupit ng criteria eh walang kang makuhang subjects para sa study mo. Para ba itong easter egg hunt na kailangan mong hanapin yung gold o silver egg na nagtatago sa talahiban? Eh baka naman kagatin ka ng kung hayop o magkanda-allergy ka sa gagawin mo. May formula bang kailangang i-solve? May variables na kailangang i-derive o integrate. Ma at Pa!
Daming tanong, wala pa akong maisip na sagot. Lahat naman ng nakasama ko noon, inisip ko rin na sila na ang The One - tipong, siguro ito na talaga ang taong magkakaroon ng malaking bahagi sa buhay ko. Kung baga, this is it! Eh anong nangyari? Naging this was it? Past tense na ang past tense. Kailangan tanggapin na may mga taong darating at aalis sa buhay natin, na mas magiging totoo kayo sa inyong mga sarili na wala sa piling ng isa't isa. Ngunit hindi ito dahilan na mawalan ng pag-asa na hindi na darating forever and ever ang The One.
Hihintayin mo ba sya? Hahanapin? Magbabakasakali ka ba? Naku po, eh paano kung pakalat-kalat lang pala siya dyan sa tabi-tabi o sa kanto? Ginagawan ba talaga ng paraan ng universe na magkrus ang inyong mga landas? Papasukin mo ba ang isang bagay na walang kasiguraduhan? Naalala ko tuloy ang nabasa ko sa sinulat ni Paolo Coelho, “You have to take risks. We will only understand the miracle of life fully when we allow the unexpected to happen.” Ganyan lang naman talaga ang buhay eh - hope for the best while preparing for the worst. So paano na yun? Pikit matang tatalon at bahala na kung saan lalagpak? Syempre hindi, either may kasabay kang tatalon o may sasalo sa iyo sa pagtalon mo. Pero kung high na high ka na parang kang lasing o kaya naka-droga - feeling mo lahat ng makilala mo eh The One! Gustong-gusto mo tumalon pero wala ka sa tamang ulirat. Siguraduhin mo lang na may kaibigan kang sasampal o kukurot sa iyo para magising at mawala ang kahibangan mo. Pero minsan, nakakatalon ka, lumalagpak, ayun... siguraduhin mo lang na mag kaibigan kang marunong ng first aid. Importante to, pramis.
So paano mo nga ba malalaman na sya na ang the right one at hindi the one right now? Paano naman kung feeling mo the one na sya pero the one right now lang pala? Paano naman kung feeling mo the one right now lang sya pero yun pala the one na talaga? Magulo na ba? Sana may Consensus, may Clinical Practice Guideline, para madaling malaman kung ang gagawin mo eh Grade A recommendation o hindi.
May nagtatakda ba na maging para kayo sa isa't isa ng The One? Tadhana ba? Panahon? Nakasulat ba ito sa nababasa? Iisang bagay lang naman ang ibig sabihin nito eh - balang araw, makakahanap ka rin ng taong katapat mo. Walang labis, walang kulang. Sana naman di sya napunta sa black hole o sa supernova.
At lalong sana di sya na-trap sa time space warp.


7 comments:
super emote ah kunsabagay tama lang yan at nalalapit na nga ang tadhana.
Narinig mo na ba yung kantang Ikaw?
Ikaw ang bigay ng Maykapal,
Sagot sa aking dasal
Matagal ko nang naririnig yung kantang to pero tsaka ko lang inintindi yung mga salita. Naisip ko tuloy kaya ba di ko natatagpuan ang The One kasi di ko ito pinagdadasal, dahil iba ang prorities ko?
mam, i believe that if you want something to happen, let it be acdg to your rules. so dont wait for THE ONE, you have to look for him, buy him or threaten him. joke-joke-joke!
TBR4 is up!
@bangus236 - marunong din ako mag-emote. kala mo ikaw lang ha.
@em dy - ang ganda ng kantang 'yan. ang opinyon ko lang, hindi ito dahil sa iba ang priorities mo. siguro dapat bukas lang ang puso at isipan natin sa posibilidad na kahit anong punto sa buhay natin, maaring dumating ang The One. =)
@dr tes - naku, sana nga puwede siyang bilhin na parang por kilo. pramis di ako tatawad, bibigyan ko pa ng komisyon yung tindera. hehehe. good work on TBR4 doc tes!
hello midnight rainbow,
waiting ako for your entry to TBR5! thanks!
Sa entry mo, napaisip ako.
Pano nga ba makita ang The One?
At pag nakita mo na sya, ikaw din ba ang The One nya? Pano kung "The One on the Side" lang, hehehe. O kaya, "The Zero" ka sa kanya (meaning, di ka type)
Ay, nagulo lalo :)
Keep blogging na lang. Di ko rin maarok ang The One e.
Post a Comment