May kuwento ako. Meron akong biglang naalala.
Nung bata pa kayo, naisip nyo ba na isa kayong prinsesa o prinsipe? Parang di yan kasi dumapo sa isip ko ni minsan. Naalala ko nung pre-school ako, gusto ko maging teacher. Nung nasa grade school, trip ko maging scientist (malay kung ano ginagawa ng scientist). Nung high school, gusto ko sanang mag-engineering. Pero ni minsan di ko naisip na prinsesa ako o pinangarap na maging prinsesa.
Di talaga sumagi sa isipan ko eh. Ni minsan. Naaalala ko nung bata ako, humingi ako ng Barbie doll sa nanay ko, ang binili sa akin Voltes V na robot. Hanep yun, die cast at puwede ibato sa mga mandurugas na kalaro. Sayang, kung naalalagaan ko sana at iningatan, puwede ko na i-auction sa eBay yun pero sigurado akong madami akong isyu sa mga laruan ngayong tumanda ako. Bakit ba bigla kong naalala ang pagiging prinsesa? Ewan ko ba, baka dahil sa "Barbie generation" ang mga bata ngayon naiisip nila na prinsesa sila. Tulad nitong usapan namin ng pamangkin ko (na anak ng pinsan ko) dati:
Ako: Sweetheart, can you dance the otso-otso for tita?
Pamangkin: Tita, I'm a princess and princesses don't do that.
Si Tita natahimik. Anak ng patola. O sige, laro ka muna dyan... maya-maya ng konti, lapit si pamangkin.
Pamangkin: Tita, I'm making pawis.
Ako: Natahimik. Oh you're making pawis... di ako nakapagsalita.
Hay. Nakakatuwa talaga ang mga bata. Kahit ano pang sabihin nila, cute pa rin. Tulad nitong isang pamangkin ko (na anak din ng isa ko pang pinsan na ubod ng pilyo at puro kalokohan).
Ako: Uy, nagsasalita na si Josh!
Pinsan: Oo, dami nang alam niyan. Josh, ano ang mata? (turo sa mata)
Josh: Eyes.
Pinsan: Eh ang ilong? (turo sa ilong)
Josh: Nose.
Pinsan: Eh ang tongue?
Josh: Bad.
Sige, isipin nyo na lang kung bakit bad ang tongue...
Tuesday, March 25, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

5 comments:
astig! mas natutuwa ako kapag nagkwento ka ng tagalog, hehe... keep it coming!
Bakit nga ba bad ang "tongue"? Baka nga ang tanda na natin di na natin gets ang jokes nila ngaun!hahaha!
And med school should have trained us to be well versed and intuitive on child psyche.
Welcome to TBR! We're looking forward to your intro post and entries.
Bad nga ba ang tongue?
Baka dahil pam-belat sa mga bad boys?
hehe, pero syempre may mas magandang explanasyon yan. Hintay lang tayo, tyak na may magcocomment na tatama ang hula kung bakit bad ang tongue :)
@edong - hehehe. sige, sige. magkukuwento ako ulit.
@bone md - thanks for the warm welcome! :)
@scrapbookingmommy - salamat sa pagbisita!
may iba pa kayang huhula kung bakit bad ang tongue? hmmm...
nung bata ako, gusto ko maging amerikano! syempre wala pa kong idea tungkol sa citizenship nun di ba? ang gusto ko maging blue eyes, blonde tsaka maputi! hehe
Post a Comment