Naranasan niyo na bang dumaan sa Commonwealth Avenue? Oo, ito yung highway papuntang Fairview at Novaliches. Pakiramdam ko ito na yata ang pinakamalapad na highway sa buong Metro Manila. Dito ako dumadaan araw-araw papasok at pauwi mula sa trabaho.
Kasi ganito yun, siguro iba lang ako ng pananaw. Para akin kasi ang buhay ko sa ngayon, parang paglalakbay sa isang malawak na kalye tulad ng Commonwealth Avenue. Bakit nga ba? Kasi ganito yon...
Mabait ang langit sa akin. Lumipas ang pag-aaral ko mula high school hanggang med school, pinagpala ako (at syempre, mga magulang ko) na makapasok sa mga paaralan na gusto ko (at gusto nila, syempre) na pasukan.
Ayos ang byahe. Walang trapik. Kaya ko yatang bilisan....
Natapos ang board exams, natural residency naman. Anak ng tokwa, para akong natulala. Di ko malaman kung ano papasukin ko. Di tulad ng blockmates ko na gusto mag-Pedia, mag-OB, mag-Neuro... ako ang gusto ko lang, non-surgical field. Nung una, Psychiatry - ayaw ng nanay ko. Di daw ako mabubuhay nun. Sige, isip. Gusto ko bang mag-alaga ng bata o matanda? Ayaw ko ng IM so isa lang ang naiwan - Pediatrics. Sige pasok ng Pedia.
Apat na buwan akong Pedia resident. Masaya naman ang batch ko, tulungan. Toxic kung toxic pero alam mong kayang tapusin naman. Naramdaman ko na may iba akong hinahanap. Umiikot sa utak ko yung pinagsasabi ko nung interview ko, "Where do you see yourself five years from now?" Ang sagot ko naman, "Training health workers somewhere in the Philippines". Eeeek, wrong answer ba yun sa Pedia interview? Di naman siguro kasi tinanggap nila ako.
Bumagal ang byahe. Di ko alam kung lilipat ako ng lane. Dun ba ako sa lane ng mababagal na sasakyan? Sa lane ng mga mabibilis? Sa kakaisip, kakaisip - ayun, tumirik ang sasakyan. Tabi muna sa gasolinahan. Troubleshoot. Lipat muna ng auto. Bagalan muna natin, kanan muna tayo sa Diliman para magpahangin at kumain ng pishballs...
Umalis ako ng residency training. Di madali ang naging desisyon na iyon at halos pagalitan ako ng nanay ko nang gawin ko yun. Nagtrabaho ako sa ilang mga NGO pero alam ko kailangan ko pa rin ng training. Pero ngayon alam ko na kung ano ang gusto ko at alam ko na kung anong klaseng duktor ang gusto ko maging.
Pakiramdam ko kaya ko na magbyahe ulit. Balik sa Commonwealth Avenue. Tuloy na naman ang byahe. Minsan trapik, minsan maraming lubak. Minsan maalikabok sa dami ng mga pagbabago na gustong gawin ng MMDA dito nandyan ang pink fences at U-turn slots. Ayos ang takbo, tuluy-tuloy! Pakiramdam ko nagbiyabyahe ako ng madaling araw.
Pumasok ako sa Family Medicine dahil ang gusto ko talaga, maging duktor sa nakakaraming pasyente. Sige.. flashback sa interview. Tanong ng consultant ko dati, "Why Family Medicine?" Banat ko sa kanya, "I know it's not a popular choice among our graduates but I want to be a doctor to a wide variety of patients." Alam mo yun, tipong matanda, bata, buntis, babae, lalaki puwede kong gamutin. Ayoko naman na kaya kong gamutin, baga lang o kaya utak lang o kaya ilong at tenga lang. Para sa akin, ang pasyente tao na may sakit. Ang pasyente, bahagi ng isang pamilya at isang komunidad. Yun at yun talaga ang umiikot sa isipan ko.
Ang sarap magbiyahe sa Commonwealth sa gabi. Walang sasakyan. Minsan ang nasa isip mo, tuluy-tuloy lang sya, okay lang maging kampante. Minsan, dahil sobra kang kampante, nakakalimutan mong lumingon sa kaliwa't kanan. Minsan, nakakalimutan mo na hindi iyo ang Commonwealth. Kaya minsan... di lang tirik ang inabot ko. Nabangga, total wreck. Napilitan akong magpahinga, magpagaling. Syempre paano ka gagamot at magpapagaling ng ibang tao habang ikaw mismo sugatan pa rin?
Natapos din ang apat na tao ko sa residency training. Minsan, may mga plano lang siguro na sadyang di dapat matuloy. Mahirap dahil maraming mga bagay ang di ko inaasahan na mangyayari pero nangyari pa rin. Sa buong buhay ko, doon ko lang naranasan na umupo at magisip kung saan at paano ako magsisimula ulit. Hindi naging madali para sa akin ang talikuran ang ilang mga pangarap na may kasabay kang binuo ng ilang taon pero ano pa nga ba magagawa ko? Ang sarap sabihin na puwede ba, pause muna rewind ng konti tapos fast forward ulit. Sadyang di ganon ang buhay.
Ayun, balik sa pagbyahe sa Commonwealth. Teka, parang naliligaw yata ako. Anak ng patola, ano ito? Pink fence? Teka, dapat yata nag-U turn ako dito. Ay teka, isang U-turn pa ulit. Haaaay.... teka, stop na muna. Stop!!!! Itabi na nga muna yang auto na yan.
Oo nangahas akong gawin ang di dapat gawin - kung nakilala niyo ako nung isang taon at tatanungin nyo sa akin kung anong ginagawa ko sa buhay, malamang nasagot kita ng "I'm on personal and professional hiatus." Sa panahon na ito, unti-unting nabubuo ang mga pangarap, unti-unting lumilinaw ang patutunguhan, unti-unti nagkakaroon ng kabuluhan ang lahat.
Ganyan ang buhay ko sa ngayon, parang biyaheng Commonwealth Avenue. Walong lane bawat sangay (tama, 16 lanes ang lapad nito), inaabutan ng trapik, may mga lubak, maalikabok, may mga panibagong U-turn slot, may tinitibag na pink fences at walang intersection. Walang paglalakbay na naging madali para sa karamihan sa atin pero alam nating lahat na makakarating din naman tayo sa ating patutunguhan. Kaniya-kaniya diskarte yan. Nasa iyo ang pagdedesisyon kung kailan ka tatabi at magpapalipas ng trapik, kung paano ka iiwas sa mga lubak at pasaway na pedestrian at kung paano ka didiskarte sa mga U-turn na paikot-ikot. Minsan wala ka namang choice - tumitirik ang sasakyan mo o kaya nababangga ka naman. Ang mahalaga dito, kaya mong bumalik sa byahe ng buhay mo. Ikaw ang may hawak ng steering wheel. Ikaw ang may diskarte sa lahat.
Ang mahalaga, kailangan nating mag-ingat sa abot ng ating makakaya para maiwasan ang mga aksidenteng puwedeng iwasan - magpatune-up ng sasakyan, mag-iingat sa pagmamaneho, wag masyadong kampante sa pagbiyahe sa gabi at ang mahalaga sa lahat, huwag na huwag matutulog habang nagmamaneho dahil delikado ito.
Tuloy ang byahe ng buhay. Tara samahan natin ang isa't isa sa byahe ng buhay natin. Promise, gigisingin ko kayo pag inaantok na kayo. At sino ba ang nagsabi na di tayo puwdeng maging masaya habang nagbiyabyahe tayo?
Sunday, March 30, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

6 comments:
Di ako marunong mag drive, pero marunong akong mag seat belt. Perhaps that is enough bracing for a front seat passenger riding your fast paced car along commonwealth?!
Ganda!Great post!
ibang klase ang analogy... kuhang kuha ang similarities at differences... *clap* *clap*
commonwealth, brings memories to me. i had my board review sa UPEC (lots of opinion there, but later post na lang) sa commonwealth. i was amazed at the high speeds that the jeeps and bus are driving. i was almost hit by one upon crossing, you have to walk half kilometer before you can reach the skywalk near iglesia, medyo pagod na sa review. nata-uhan ng konti ang lola, muntik ng mamatay.
pls join the 4th TBR, im hosting!
@bone md - naku, di rin ako masyadong marunong magdrive. :) thanks for the visit!
@edong - *bow* *bow* salamat!
@dr tes - naku, and hirap talaga tumawid ng commonwealth, lalo na nung time na wala pang overpass. patintero talaga sa mga sasakyan! submitted my TBR4 entry already. :)
Galing ng pagkakasulat. Link up (di ko alam tagalog nito) kita ha. :)
hehehe ur posts never fail to make me laugh po dra...maybe because nakakarelate ako.=) nice post po!
Post a Comment